Gazini Ganados, pabor ba sa Pilipinas idaos ang Miss Universe 2019?

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2019 05:00 PM | Updated as of Aug 15 2019 05:50 PM


MAYNILA -- Nagbigay pahayag ang reigning Miss Universe Philippines na si Gazini Ganados sa tila napipintong muling pagdaraos ng Miss Universe pageant dito sa Pilipinas.

Kasunod ito ng naging pagbisita ng presidente ng Miss Universe Oraganization na si Paula Shugart sa Philippine Arena.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gazini C. J. Ganados (@gazinii) on

"Whatever the decision is, I will respect it fully and let's hope maging successful 'yung event," ani Gazini sa panayam.

Bilang half Pinay at half Palestinian, nakikita din ng reigning Miss Universe Philippines na magandang pagkakataon kung matutuloy sa Middle East ang Miss Universe 2019.

Watch more in iWant or TFC.tv

Taliwas sa mga naging ulat noon na sa South Korea ang susunod na Miss Universe, kabilang ang Dubai at Qatar sa mga tinitingnang lugar na posibleng pagdausan ng pageant.

"As a Tourism graduate, I love to travel. I feel it feeds my soul whenever I go to another country. Plus I haven't been to Dubai and I'm always dreaming of somewhere in the Middle East since I have Middle Eastern roots," pahayag ni Gazini.

Habang hinihintay ang opisyal na anunsyo ng Miss Universe, tutok muna ngayon ang Pinay beauty queen sa kanyang training at charity work.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.