Yen Santos, ipinasilip ang shoe collection

ABS-CBN News

Posted at Aug 13 2018 12:26 PM

 

A post shared by Yen Santos (@ysantos) on

Mula pagkabata, hilig na ng aktres na si Yen Santos ang sapatos subalit aminado siyang noon ay hindi pa niya kayang bumili ng sariling pares.

"Mas sandals po noon eh. 'Pag binibilhan lang ako ng mom ko 'pag pasok ko sa school, 'pag Christmas, 'pag birthday," kuwento ni Santos sa "Rated K."

Watch more in iWant or TFC.tv

Para kasi sa "Halik" star, nakakadagdag ng kumpiyansa sa sarili ang pagsusuot ng magagandang sapatos.

"Iba 'yong feeling na nabibigay 'pag maganda 'yong shoes mo eh. Mas nakakadagdag ng confidence, mas nakaka-sexy," ani Santos.

Kaya mula sa perang kaniyang pinaghirapan sa pagiging artista, nakapagpundar si Santos ng sariling koleksiyon ng mga sapatos.

Kabilang sa koleksiyon ng aktres ang iba-ibang uri ng sapatos mula sneakers, flats hanggang heels.

Ito na rin ang mga sapatos ni sinusuot umano ni Santos tuwing may taping at sa mga photoshoot.

Pinakapaborito raw niya rito ay ang white sneakers dahil sa dali nitong bagayan.

 

A post shared by Yen Santos (@ysantos) on

"Iba kasi 'yong comfort eh 'pag nabibili mo 'yong sarili mong sapatos. Mas gusto mong umalis, mas gusto mong magbihis ng maganda kasi alam mo mayroon kang magandang shoes. Mas confident kang maglakad," paliwanag ni Santos.

Kasalukuyang abala si Santos sa teleseryeng "Halik," na magsisimula sa Primetime Bida sa Lunes, Agosto 13, pagkatapos ng "Bagani."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.