PatrolPH

P199 eat-all-you-can fruits alok sa pista sa Kidapawan City

ABS-CBN News

Posted at Aug 11 2022 12:37 PM

Retrato mula sa Kidapawan City Government
Retrato mula sa Kidapawan City Government

Matapos ang ilang taong pagkaantala dahil sa COVID-19 pandemic, idinaos muli ang Kasadya sa Timpupo Fruit Festival sa Kidapawan City, Cotabato.

Isa sa highlight ng pagdiriwang ang "eat-all-you-can" fruits sa grounds ng city plaza.

Sa halagang P199, puwedeng kumain nang unlimited ng iba't ibang prutas gaya ng durian, marang, mangosteen, lanzones at rambutan.

Maraming turista ang dumayo pa sa lungsod para masubukan ang eat-all-you-can fruits.

Ang Timpupo festival ay pagpapasalamat ng mga katutubo ng mga taga-Kidapawan sa masaganang ani ng mga prutas.

Tatakbo ang eat-all-you-can fruits mula Agosot 7 hanggang 18.

— Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.