13 anyos na bata pinarangalan matapos sagipin ang isang nalulunod | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

13 anyos na bata pinarangalan matapos sagipin ang isang nalulunod

13 anyos na bata pinarangalan matapos sagipin ang isang nalulunod

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2022 07:23 PM PHT

Clipboard

Pinarangalan si Dave Lawrence
Pinarangalan si Dave Lawrence "Boknoy" Quilario, 13, matapos niya masagip ang isang lalaking nalulunod sa Dumaguete City. Kuha ni Bhoy Jubane Pilongo.

Pinarangalan ng Dumaguete City council ang isang 13-anyos na bata na nagligtas sa isang nalulunod na lalaki sa dagat noong Agosto 1.

Ayon sa Dumaguete City CDRRMO responder na si Jojie Ensertado, nasagip ni Dave Lawrence "Boknoy" Quilario ang isang 27-anyos na lalaki na muntik nang nalunod habang namamana ng isda sa dagat sa Barangay Banilad.

Ani Ensertado, biglang nakaramdan ng sakit sa dibdib, nahirapang huminga at nagkapulikat ang binti ng lalaki kaya nanghingi ito ng saklolo.

Nakita umano ito ni Boknoy na agad sumakay sa bangkang de sagwan upang matulungan ang biktima.

ADVERTISEMENT

"Di ako nag-alin-alangan dahil ang iniisip ko ay mailigtas ko siya," ani Boknoy.

Kahit nahirapan, naisakay ni Boknoy sa bangka ang nanghihina nang lalaki.

Agad binigyan ng paunang lunas ng CDRRMO responders at nadala sa ospital ang lalaki na ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan.

Nitong Martes, kinilala ng konseho ng Dumaguete City ang katapangan at kabayanihang ni Boknoy, na binigyan ng parangal.

Isang football player si Boknoy na hiwalay sa kanyang mga magulang kaya inaalagan siya ng kaniyang lola at lolo.—Ulat ni RC Dalaguit De Vela

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.