PatrolPH

TINGNAN: Artworks na alay para kay Olympic silver medalist Carlo Paalam

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2021 04:21 PM

Philippines' Carlo Paalam celebrates his silver medal during the medal ceremony for the men's fly (48-52kg) boxing final bout during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Kokugikan Arena in Tokyo on August 7, 2021. Luis Robayo, AFP
Philippines' Carlo Paalam celebrates his silver medal during the medal ceremony for the men's fly (48-52kg) boxing final bout during the Tokyo 2020 Olympic Games at the Kokugikan Arena in Tokyo on August 7, 2021. Luis Robayo, AFP

MAYNILA — Kanya-kanyang paraan ang mga Bayan Patroller para ibida ang pagkapanalo ng silver medal ni Carlo Paalam sa Tokyo Olympics.

Palaban ang leaf art ni Bayan Patroller MM Dacanay ng Biñan, Laguna, na ginawa niya bilang pagbati sa atleta.

 

Gamit ang dahon ng calamansi, scalpel at cutter, binuo niya ang obra sa loob ng anim na oras.

“Palaman Art” naman ang alay ni Bayan Patroller Jaypee Magno ng Badiangan Iloilo, para sa boksingero.

 

Isang oras naman inabot ang pagguhit ni Magno sa mukha ni Paalam sa tinapay, gamit ang hazelnut spread at toothpick.

“Patuloy lang po niyang i-inspire ‘yung mga kabataang nagsusumikap ding maabot ang kanilang mga pangarap,” aniya. 

“Kahit anumang antas at estado sa buhay dahil isa kayo sa mga pruweba na walang imposible sa taong dedikado.”

Ito ang ikalawang silver ng Pilipinas sa Olympics ngayong taon kasama ni Nesthy Petecio. Wagi rin ng pilak ni Eumir Marcial sa parehas na larangan at nasungkit naman ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang ginto ng bansa sa weightlifting. —Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.