PANOORIN: Tips ng feng shui expert para makaiwas sa malas sa 'ghost month'

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2021 12:14 PM | Updated as of Aug 08 2021 12:53 PM

Watch more on iWantTFC

Ang "ghost month" ang panahong pinaniniwalaan ng mga Chinese na nakakagala ang mga espiritu sa mundo ng mga tao.

Ayon sa feng shui expert na si Hanz Cua, ang "ghost month" ngayong taon ay magaganap mula Agosto 8 hanggang Setyembre 6.

Ibinahagi niya sa ABS-CBN News ang ilang tips upang makaiwas sa malas sa panahong ito, kabilang na ang pagpapaliban ng mga importanteng bagay tulad ng kasal, pagbubukas ng bagong negosyo, o pagpapagawa ng bahay.

Paalala ni Cua, ang feng shui ay nagsisilbing gabay lamang sa araw-araw na pamumuhay. "Nasa inyong kamay pa rin nakasalalay ang inyong tagumpay," aniya.

Related video:

Watch more on iWantTFC