PatrolPH

Ice cream, P100,000 natanggap ng centenarian sa Naval, Biliran

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2022 03:04 PM

Tumanggap ng P100,000 cash grant at ice cream ang isang centenarian sa Naval, Biliran. Courtesy: Naval LGU.
Tumanggap ng P100,000 cash grant at ice cream ang isang centenarian sa Naval, Biliran. Courtesy: Naval LGU.

Tumanggap ng P100,000 cash grant at ice cream ang isang centenarian sa bayan ng Naval, Biliran.

Ang 100-anyos na si lola Gleceria Tanda ay residente ng Vicentillo Extension, Brgy. Padre Inocentes Garcia.

Mismong si Naval Mayor Gretchen Stephanie Espina kasama ang mga kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development Office ang nagbigay sa cash grant kay Lola Gleceria.

Watch more News on iWantTFC

Ang P100,000 na pera ay galing sa DSWD bilang pagsunod sa Republic Act 10868 kung saan ang mga "natural born" Filipino centenarian ay makakatanggap ng P100,000 cash gift mula sa DSWD.

Personal namang ibinigay ng alkalde ng Naval ang ice cream matapos na magsabi ang centenarian na gusto niyang kumain nito. 

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.