Tricycle driver sa Capiz, dala ang anak habang namamasada

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2018 11:13 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Isang tricycle driver sa bayan ng Pontevedra, Capiz ang agaw-pansin sa mga netizen dahil dala nito ang kanyang anak na sanggol habang namamasada.

Kumalat sa social media ang larawan ni Vicente Botante, 49-anyos na drayber at ang kanyang anak na si Rayve, 11 buwang gulang.

Araw-araw kasama ni Vicente ang kanyang anak habang namamasada dahil iniwan sila ng nanay ng bata.

Marami ang humanga kay Vicente, at marami rin ang nag-alala sa kalagayan ng bata na kasama niya araw-araw.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.