TINGNAN: Lumang face shield, ginawang Olympics-inspired art

ABS-CBN News

Posted at Aug 03 2021 11:35 AM

TINGNAN: Lumang face shield, ginawang Olympics-inspired art 1
Mga larawan mula kay Je Armie Mondragon
TINGNAN: Lumang face shield, ginawang Olympics-inspired art 2
Mga larawan mula kay Je Armie Mondragon

MANILA – Lumang face shield ang ginamit ng isang mekaniko sa Barangay Jolo, Roxas, Palawan upang magbigay-pugay sa mga manlalaro ng Pilipinas sa Tokyo 2020 Olympics.

Gamit ang face shield at takip ng bote ng softdrinks, gumawa ng Olympics-inspired art ang 23-anyos na mekanikong si Je Armie Mondragon.

Tampok sa kanyang mga obra sina gold medalist Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal.

TINGNAN: Lumang face shield, ginawang Olympics-inspired art 3
Mga larawan mula kay Je Armie Mondragon
TINGNAN: Lumang face shield, ginawang Olympics-inspired art 4
Mga larawan mula kay Je Armie Mondragon

Aniya, naging inspirasyon niya ang mga atletang na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at karangalan sa bansa sa kabila ng kinakaharap na pandemya. – ulat ni Trisha Mostoles