MAYNILA — Giniginaw ka ba at nagke-crave sa sabaw para mapainit ang iyong sikmura?
Kung nais ng kakaibang pagkain ngayong tag-ulan ay maaari mong subukan ang hot and sour soup, isang Asian soup dish.
Narito ang mga sangkap:
• Baboy
• Tokwa
• Black Chinese mushroom
• Itlog
• Toyo
• Suka
• Paminta
• Pork stock
• Potato starch
• Water
• Sesame oil
Paraan ng pagluluto:
Pakuluan ang soup stock.
Kapag kumulo na, ilagay ang baboy at tokwa.
Ihalo ang Chinese mushroom, toyo, suka, at paminta.
Sa isang mangkok, magbate ng itlog at ilagay sa kumukulong sabaw.
Lagyan ng sesame oil.
Sa isang mangkok, tunawin ang potato starch sa tubig saka ihalo sa kumukulong sabaw.
Maaari nang ihain ang hot and sour soup.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, Umagang Kay Ganda, recipe, healthy recipes, affordable meals, hot and sour soup, sabaw, rainy season meals