PatrolPH

TINGNAN: 101 anyos na lola sa Leyte, fully vaccinated na

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2021 12:11 AM | Updated as of Jul 31 2021 08:39 AM

TINGNAN: 101 anyos na lola sa Leyte, fully vaccinated na 1
TINGNAN: 101 anyos na lola sa Leyte, fully vaccinated na 2

Fully-vaccinated na ang 101-anyos na si Luz Montejo-Sevilla mula Palo, Leyte. Kuha ni Patylin Sevilla- Belocura

Fully-vaccinated na ang 101-anyos na si Luz Montejo-Sevilla mula Palo, Leyte. Kuha ni Patylin Sevilla- Belocura

Fully vaccinated na ang isang 101-anyos na lola na taga-Palo, Leyte.

Naturukan si Luz Montejo-Sevilla ng pangalawang dose ng AstraZeneca vaccine nitong Biyernes. Noong Mayo unang nagpabakuna si Lola Lucing.

Ayon sa kaniyang apong si Patilyn Sevilla-Belocura, ang pag-post ng larawan ng kanilang lola sa social media ang kanilang paraan para hikayatin ang publiko na magpabakuna.

Aminado ang mga apo ni Lola Lucing na noong una ay nagdadalawang isip silang pabakunahan ang matanda dahil nagpositibo na siya sa COVID-19 noong Enero. Nakuha ng matanda sa isang kaanak na hindi alam na apektado na pala ng sakit. 

Ito ang nagtulak sa pamilyang magkaisa na pabakunahan ang centenarian.

—Ulat ni Sharon Evite-Carangue

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.