RECIPE: Pancit lomi ng Batangas

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 11:59 AM | Updated as of Jul 31 2019 12:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patok sa Batangas ang lomi, isang noodle soup dish na tadtad sa mga sahog, na masarap lalo na tuwing tag-ulan. 

Maaari mong subukang gawin ang putaheng ito sa inyong kusina. 

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles ang guest kusinero na si Francis Yuson para ibahagi kung paano lutuin ang lomi. 

Narito ang mga sangkap: 
• Mantika
• Sibuyas
• Toyo
• Soup stock
• Pansit miki
• Harina na may tubig 
• Itlog
• Paminta

Paraan ng pagluluto 

Maggisa ng sibuyas. Timpalahan ng toyo ang ginisang sibuyas bago lagyan ng sabaw o pinagpakuluan ng karne ng baboy at manok. 
Haluing mabuti.

Isunod ang pansit miki at timplahan ng paminta. Hayaang kumulo.

Kapag kumulo na, lagyan ng harinang tinunaw sa tubig para lumapot. Haluing mabuti.

Huling ilagay ang binateng itlog ilang minuto bago hanguin. Lagyan ng paboritong toppings bago ihain.

Maaari nang ihain ang lomi. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.