ALAMIN: Home remedies para sa dry skin

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2018 06:00 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Skin mo ba'y dry at parang walang buhay?

Dumalaw sa "Umagang Kay Ganda" ang chemist na si Janir Datukan mula sa Philippine Normal University (PNU) upang ibahagi kung paano magka-kutis-artista gamit lamang ang mga natira nating pagkain sa kusina.

Narito ang mga sangkap na ayon kay Datukan ay sagot sa problema ng marami sa dry skin. 

PAKWAN
→ 2 kutsarang katas o juice ng pakwan
→ 1 kutsaritang honey (optional)

Paraan: 
• Paghaluin ang katas ng pakwan at honey
• I-apply ito sa mukha at hayaan nang 10 minuto bago banlawan ng tubig
• Gawin ito 2 beses kada linggo

PINYA
→ 1 hanggang 2 kutsarang katas o juice ng pinya
→ 1 kutsaritang honey (optional)

Paraan: 

  • Paghaluin ang katas ng pinya at honey
  • I-apply sa mukha at hayaan nang 20 minuto bago banlawan ng malamig na tubig
  • Gawin ito 1 hanggang 2 beses kada linggo

MILK POWDER
→ 2 kutsaritang milk powder
→ 1 kutsaritang honey (optional)
→ Turmeric powder
→ Tubig

Paraan: 

  • Paghaluin ang gatas, honey, at turmeric powder
  • Dagdagan ng kaunting tubig para maging paste
  • Ipahid sa mukha at hayaang matuyo bago maghilamos
  • Gawin ito 2 beses kada linggo

SAGING
→ Kalahating hinog na saging
→ 1 kutsaritang langis ng niyog

Paraan: 

  • Durugin ang saging at ihalo ang langis ng niyog
  • I-apply sa mukha at hayaan nang 20 minuto bago banlawan ng malamig na tubig

ASUKAL
→ 1 kutsarang asukal 
→ 1 kutsarang langis ng niyog

Paraan: 

  • Paghaluin ang asukal at langis
  • Dahan-dahan na ikuskos ang mixture sa mukha nang pataas at paikot
  • Hayaan sa mukha nang 2 hanggang 3 minuto
  • Banlawan ng maligamgam na tubig
  • Gawin ito 2 beses kada linggo
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.