TINGNAN: 3D street art tampok sa barangay sa Dagupan City

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2020 10:56 AM | Updated as of Aug 03 2020 08:29 PM

Dagdag-atraksyon sa Clavaria Road sa Barangay Malued, Dagupan City ang makulay na three-dimensional (3D) ocean-themed painting na may habang 30 metro.Mula sa Dagupan City Public Information Office

Dagdag-atraksyon sa Clavaria Road sa Barangay Malued, Dagupan City ang isang makulay na three-dimensional (3D) ocean-themed painting na may habang 30 metro. 

Dalawang araw itong ginawa ng local artist na si Joel Pangan. 

Watch more in iWantTFC

Tampok dito ang malaking sea turtle, iba’t ibang klase ng isda, pating, at ang sikat na isdang si Nemo. 

Para sa barangay, malaking tulong ito para maibsan ang stress sa gitna ng pandemya. 

"Puwedeng makatulong para hindi nai-stress ang mga tao dahil ang iniisip nila palagi 'yung COVID. ‘Yung COVID andiyan 'yung takot nila. Para maalis 'yung takot lang kahit pakaunti-kaunti makapagbigay ng good vibes sa kanila,” ani Filipina Delos Santos, chairman ng barangay. 

Tiniyak naman ng barangay na nasusunod ang health protocols gaya ng physical distancing at pagsusuot ng mask sa mga pumapasyal at nagpapa-picture. 

-- Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.