Pinay na leukemia survivor, nakisaya sa premiere ng 'Teen Titans Go!'

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2018 07:47 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Masaya ang 10 taong gulang na cancer survivor na si Lois Gascon matapos siyang imbitahin sa premiere ng "Teen Titans Go! To The Movies" screening noong Hulyo 23. 

Dalawang taon nag-chemotherapy si Gascon. 

Para sa kaniya, ang panonood ng cartoons ang kanyang mga naging tagapag-aliw habang sumasailalim sa treatment.

"When I have bad days, I just try to keep myself happy by seeing what I could do... when I’m at home I just watch my funny cartoons and watch anything that tries to help me cheer me up," kuwento niya. 

Kuwento ito ng limang teenage superheroes na sina Robin, Beast Boy, Cyborg, Raven, at Starfire na tumungong Hollywood para sumikat. 

Nagkaroon pa siya ng pagkakataong matupad ang pangarap niyang maranasang mag-voice over ng mga cartoon characters. 

Ayon kay Greg Cipes, na gumaganap bilang boses ng karakter ni Beast Boy, karangalan daw ang maging parte ng buhay ng mga kabataang tumatangkilik sa kanilang pelikula. 

"Everything you’ve ever wanted, you’ll get it and you’ll receive in the way that you’ve never imagined. Better than you could’ve imagined every time. But you gotta know what you want, and go to the process of it and enjoy it," aniya. 

Mapapanood sa Pilipinas ang big-screen version ng TV animation series simula August 1. 

-- Ulat ni Yong Chavez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.