PatrolPH

PANOORIN: Bailey May, pinakain ng street food ang Now United members

ABS-CBN News

Posted at Jul 24 2018 05:00 PM | Updated as of Jul 24 2018 05:01 PM

Sa kabila ng pagtapak sa international music scene matapos masali sa global pop group na Now United, hindi pa rin nakalilimutan ni Bailey May ang mga nakasanayan niyang gawin nang naninirahan pa sa Pilipinas.

Isa na rito ang pagkain ng street food, na pinaranas niya sa mga kasamahan sa Now United nang ilibot niya ang mga ito sa Kamaynilaan habang nasa bansa sila noong nakaraang linggo.

Watch more on iWant or iWantTFC

Sa isang video blog (vlog) entry sa YouTube channel ng grupo, mapapanood na isinama ni May ang ilang Now United members sa isang palengke kung saan pinatikim niya ang mga ito ng balut.

"When I was a little boy, I lived in Cebu and I ate balut every night. The balut man would come very late in the night, I'd wake up and go get balut," kuwento ni May.

Tila nagulat pa ang ibang Now United members sa balut dahil kinakain ito kahit ito ay ibong nagde-develop pa sa loob ng shell.

Watch more on iWant or iWantTFC

Sa isa pang vlog entry, banana cue naman ang tinikman ng mga miyembro at napasigaw pa sa sarap ang Mexican member na si Sabina.

 

A post shared by BAILEY (@baileymay) on

Kinuha rin ng 15 anyos na British-Filipino ang pagkakataon para sumabit sa jeep, base sa video na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account noong Lunes.

Watch more on iWant or iWantTFC

Bumisita sa bansa ang Now United noong nakaraang linggo para sa serye ng mga mall show.

Ang Now United ay isang pop group na may 14 miyembro mula sa iba't ibang bansa.

Binuo ang grupo ng sikat na producer na si Simon Fuller, na siyang gumawa ng "American Idol" at nangasiwa sa karera ng Spice Girls.

Unang nakilala noong 2015 si May bilang housemate at kalaunan ay third runner-up sa "Pinoy Big Brother: 737."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.