'Nakaka-tense': Direk Joyce, aminadong nahirapan sa SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2018 11:00 PM | Updated as of Jul 24 2018 07:53 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tapos na ang produksiyon pero aminado si Bb. Joyce Bernal na dumaan siya sa hirap sa pagdirek ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunpaman, ipinagmalaki naman ni Bernal ang naging istilo niya kung saan 19 camera set-up ang kaniyang ginamit sa produksiyon.

"Nakaka-tense talaga. Kay Direk Brillante [Mendoza], inserts niya lang ay black and white eh, kami naman po color...Tiningnan din namin talaga 'yung framing ng Presidente na maganda. Hindi 'yung framing ng mukha niya kundi 'yung interaction niya with the people," ani Bernal. 

Angat din ang bagong lighting para sa Pangulo sa tulong ng cinematographer na nakatrabaho na nina Daniel Padilla at Piolo Pascual.

"May beauty light tayo sa podium na wala pa 'atang gumagawa du'n. Na-try namin soft light sa kaniya para maaliwalas," ayon sa cinematographer na si Zech Joseph Sycip.
 
Ang hindi lang umano nagawa ni Bernal ay ang makakuha ng drone coverage dahil bawal ito sa seguridad ni Duterte.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.