TINGNAN: Comet Neowise namataan sa Quirino province

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 11:39 PM

Kinuhanan ng retrato ng isang Bayan Patroller ang Comet Neowise na bumabaybay sa kalangitan sa Barangay Poblacion Norte sa Maddela, Quirino, nitong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Chester Alan Martin, 4 na araw niyang inaabangan ang Neowise pero bigo siyang makita ito dahil masyado pa umanong mababa ang posisyon noon. Madalas ay maulap din sa bahagi kung saan niya nakunan ang kometa.

Nang makita niya sa wakas ang kometa, na tinatawag ding C/2020 F3 (NEOWISE), ay kinuhanan niya kaagad ito ng litrato.

 

Hanggang bukas, Huwebes, na lang daw makikita ang Neowise kaya aabangan muli ni Martin ito.

Inaanyayahan ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang mga tao na masilayan ang nasabing comet hanggang Hulyo 23 dahil muli lamang ito makikita pagkalipas ng 6,800 na taon. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.