PatrolPH

KILALANIN: Ilang beauties na sasali sa Miss Universe PH 2021

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 08:32 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Rambulan ng mga beauty queen, pageant repeater at mga fresh face ang roster ng 100 applicants sa Miss Universe Philippines 2021.

Isa na rito si 2017 Asia's Next Top Model winner Maureen Wroblewitz. 

Malakas ang ugong ni Binibining Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista at Binibining Pilipinas Tourism 2012 at Miss USA Supranational 2018 Katrina Dimaranan.

Kasama pa sa matutunog na applicants ang mga pageant repeaters na sina Janella Cuaton, Kesha Ramachandran at Christelle Abello.

Sentro rin ng atensiyon ang dating PBB housemate na si Kisses Delavin at si Binibining Cebu Steffi Aberasturi.

Ngayon pa lang nag-uumpisa na ang kampanya ng mga netizen para maboto ang mga manok nila para makapasok sa top 75 mula sa 100 applicants. 

Lalaban ang winner sa 70th Miss Universe na sa unang pagkakataon ay idaraos sa Israel sa Disyembre ngayong taon. 


—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.