TINGNAN: 'LGBT Pride Lane' sa Davao City

Bonna Pamplona, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 06:22 PM

Pininturahan ng kulay ng bahaghari ang isang pedestrian lane sa Agdao District, Davao City.

DAVAO CITY -- Naging makulay ang isang pedestrian lane sa Barangay Lapu-Lapu, Agdao district, Davao City dahil hindi kulay puti, kung hindi mga kulay ng bahaghari ang ginamit sa pagpinta ng pedestrian lane.

Tinawag nila itong "LGBT Pride Lane" bilang paalala sa kahalagahan ng respeto ng bawat isa.

Ang LGBT Pride Lane ay inisyatibo ng Sanguniang Kabataan ng Barangay Lapu-Lapu.

Ayon sa SK chairman na si Paolo Rodriquez, napapansin niyang hanggang ngayon ay nakararanas pa rin ng pangungutya at hindi patas na pagtingin sa LGBT community.

Kaya't sa tuwing makikita ang LGBT Rainbow Pride Lane ay magsisilbi umanong paalala na dapat pantay-pantay lang ang lahat.

"Ang mahatag nga impact niini nga proyekto, awareness sa tanan batan-on ug katawhan diri sa atoang dakbayan nga kinahanglan nato i-recognize na kitang tanan pantay-pantay kitang tanan adunay karapatan na mabuhi nga equally treated," ani Rodriguez

(Ang impact ng proyektong ito ay makapagbibigay tayo ng awareness sa lahat dito sa lungsod na kailangan i-recognize natin lahat. Dapat pantay-pantay lahat dahil lahat tayo may karapatan sa patas na pagtingin.)

Ayon kay Presidential Commissioner for the Urban Poor Normal Baloro ang paglagay ng LGBT Pride Lane ay napapanahon lang matapos nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 'Bawal Bastos Law.'

"Daku kaayong impact in terms of public awareness nga kadaghanan sa atoang mga kaigsuonan nga wala kahibalo nga naay mga LGBT nga naga-exist, ang pangtama nga respeto para sa ilaha, makit-an nato nga kini mu-serve as a statement nga ang siyudad sa davao, usa ka city nga anaa ang pagdawat sa pantay ug patas pagtan-aw," dagdag ni Baloro.

(Malaki ang impact nito in terms of public awareness. Karamihan sa ating kababayan ay hindi pa alam na may nage-exist na LGBT. Ang tamang respeto na kanilang maipakita. Ito ay magsilbing statement na ang Davao City ay isang syudad na may pagtanggap at patas na pagtingin.)

Nanawagan din ang LGBT community sa mga mambabatas na patuloy ang kanilang pagbibigay suporta lalo na sa marginalized sector sa bansa.