Matapos ang 50 taon, Gloria Diaz, binalikan ang tagumpay sa Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 02:07 PM

MAYNILA -- Kasunod ng muling pag-alala ng Pinoy pageant fans sa ika-50 taon na anibersaryo ng pagkapanalo ni Gloria Diaz sa Miss Universe pageant, nagpaabot naman ng pasasalamat ang 1969 Miss Universe sa patuloy na nakakaalala sa kanyang naging tagumpay.

Sa ipinadalang mensahe ni Gloria Diaz kay Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi nitong ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng mga Pilipino sa kanya mula noon hanggang ngayon.

"Becoming the first Miss Universe from the Philippines made me more aware all my life of how it is to feel the love and admiration of one's countrymen. And that by being simple, approachable and always grateful to the simple ordinary people I meet everyday, is the only way I can actually reciprocate," pahayag ni Gloria sa mensahe.

Matatandaan na nitong Hulyo 19, inalala ng pageant fans ang kanyang tagumpay sa prestihiyosong Miss Universe pageant bilang unang Pilipina na nakasungit ng korona

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Pageanthology 101 (@pageanthology101) on

Binalikan din ng pageant fans ang kanyang tatak na sagot sa question-and-answer portion ng 1969 Miss Universe pageant.

Watch more in iWant or TFC.tv

"In the next day or so, a man will land on the moon. If a man from the moon landed in your hometown, what would you do to entertain him?" tanong kay Gloria.

"Oh, just the same things I do. I think if he has been on the moon for so long, I think when he comes over he wants to change, I guess," sagot ni Gloria.

Ang pagkapanalo ni Gloria sa Miss Universe ang nagbukas ng mga oportunidad para sa beauty queen na pasukin ang mundo ng showbiz.

Ilan sa kanyang mga naging markadong pelikula ay ang "Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon," "Dyesebel," "Jose Rizal," "Sagrada Familia," "Nasaan Ka Man," at "Ang Pinaka Magandang Babae sa Balat ng Lupa."

Aktibo ein si Gloria sa mundo ng telebisyon. Ilan sa kanyang mga kinabilangan ay ang mga programa sa Kapamilya network tulad ng "Dream Dad" at ang "Los Bastardos" kung saan siya kasalukuyan na napapanood.

Sa kabila ng kanyang pagiging aktibo sa showbiz, proud nanay din si Gloria sa kanyang dalawang anak na sina Isabelle at Ava Daza.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by isabelledaza (@isabelledaza) on

At sa edad na 68 taon, isa din sa kanyang inspirasyon ngayon ang nag-iisang apo na si Balthazar Gabriel Daza Semblat.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69) on

Aktibo din ang dating Miss Universe sa pag-aalaga sa kanyang sarili. Sa katunayan, "fitspiration" ang naging bansag kay Gloria ng mga hot mama na aktibo din sa pag-aalaga sa kanilang sarili.

Sa pagkapanalo ni Gloria sa Miss Universe, nakilala ang Pilipinas sa Miss Universe pageant kung saan gumawa din ng pangalan sina Margarita Moran (Miss Universe 1973) Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at Catriona Gray (Miss Universe 2018).

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.