PatrolPH

Pulis na naparalisa matapos barilin patuloy na nagtuturo sa mga bata

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2021 07:13 AM

Pulis na naparalisa matapos barilin patuloy na nagtuturo sa mga bata 1
Sa kabila ng pagkaparalisa ng kaniyang kanang kamay, patuloy sa pagtulong si Patrolman Noel Amor. Larawan mula sa Police Regional Office XI

Paralisado man ang kanang kamay, di tumigil si Patrolman Noel Amor sa pagtuturo ng mga bata sa KM 31, Barangay Dagohoy, isang malayong lugar sa bayan ng Talaingod sa Davao del Norte.

Kabilang si Amor sa mga tinatawag na revitalized police ng Barangay na inatasang magturo sa mga estudyante dahil malayo ang eskwelahan.

Noong Nobyembre, sugatan si Amor matapos umano'y tambangan ng mga miyembro ng New People's Army (NPA) habang maghahatid ito ng mga module.

Hindi pa man tuluyang nao-operahan ang pulis, pero nagpapatuloy ito ngayon sa pagserbisyo sa kanyang mga estudyante. 

Sa isang press statement, binigyang pugay ni PNP chief General Guillermo Lorenzo Eleazar si Amor dahil hindi nito ininda ang kanyang kondisyon makatulong lang sa mga bata. 

Inatasan rin ni Eleazar ang PNP Health Service para matulungan ito sa kanyang pagpapagamot. — Ulat ni Chrislen Bulosan 

MULA SA ARKIBO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.