'Parang akin yata ito': Sisi Rondina, tinupad ang pangarap na makabili ng bahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 19 2019 06:12 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Matapos matulungan ang mga kapatid sa kanilang pag-aaral, isang pangarap ang tinupad ng sikat na volleyball player na si Sisi Rondina.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Sisi na nakabili na siya ng bahay sa Cebu.

"Sabi ko nga tapos na ang ate ko, tapos na ang kapatid kong mag-aral. Na-renew ako sa team ko po. Itong bahay na binili ko, isa na lang siya, nag-iisa na lang siya sa subdivision. Sabi ko, 'parang akin yata ito, kasi hinintay lang ng isang araw.' So kinuha ko na po," aniya.

"Gusto ko talagang makapagpatayo ng gusto kong bahay. Pero sabi ko, 'eto na, eto na muna,'" dagdag ni Sisi na itinanghal na UAAP 81 Athlete of the Year nito lamang Mayo.

Samantala, pagbibidahan ni Kim Chiu ang buhay ni Sisi sa isang espesyal na episode ng "Maalaala Mo Kaya."

Matutunghayan ang buhay ni Sisi sa "MMK" ngayong Sabado, Hulyo 20, pagkatapos ng "Idol Philippines."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.