PatrolPH

ALAMIN: Pagkakaiba ng headache at migraine

ABS-CBN News

Posted at Jul 18 2019 02:50 PM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA — Dahil sa kalituhan ng marami ukol sa migraine at headache, nilinaw ng isang doktor nitong Huwebes na malaki ang pagkakaiba ng 2 karamdaman. 

Ayon sa neurologist na si Dr. Julette Marie Batara, maituturing na migraine ang nararamdaman kung tila tumitibok-tibok ang loob ng ulo. 

Iba umano ito sa normal na headache kung saan tila bumibigat na ulo ang nararamdaman ng pasyente. 

May iba pa umanong sintomas ang migraine na hindi nakikita sa normal na headache gaya ng pagkahilo at photo-phobia o pag-iwas sa ilaw.

"Iyong headache is sakit ng ulo... Iyong migraine is isang klase ng sakit ng ulo. 'Yung ibang characteristics kasi ng migraine is isang half lang ng ulo 'yong sumasakit," ani Batara sa "Good Vibes" ng DZMM. 

Naiiba pa aniya ang migraine sa normal na sakit ng ulo dahil "episodic" o nararamdaman ito ilang beses sa isang panahon. 

"For some patients, it happens twice a year, meron namang twice a week. Minsan araw-araw. Meron din tayo noong... ilang araw sumasakit ang ulo," ani Batara. 

Kapag araw-araw umano ang migraine ay binibigyan ng gamot ang pasyente. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.