PatrolPH

'Kalabaw mobile graduation' ginanap sa paaralan sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jul 17 2021 04:18 AM

'Kalabaw mobile graduation' ginanap sa paaralan sa Antique 1
'Kalabaw mobile graduation' ginanap sa paaralan sa Antique 2

Kuha ni Charmie Serguino

Kuha ni Charmie Serguino

Ngayong pandemya patok ang mga mobile graduation para mabigyan ng pagkilala ang mga estudyanteng magtatapos sa kanilang pag-aaral. 

Isang kakaibang graduation naman ang ginanap sa Lawigan Elementary School sa bayan ng Tobias Fornier, Antique. 

Isang kalabaw na may karosa ang dinisenyuhan ng tela at balloons para gawing entablado para sa mga magtatapos sa elementarya.

Mahirap ang daan sa lugar dahil sa putik kaya naisipan ng eskwelahan na gumamit ng karosa para maging madali ang pagpunta sa mga bahay ng mga magtatapos na mga estudyante.

Ang karosa ang nagsilbing entablado ng mga estudyante habang kinukunan ng litrato hawak ang kanilang mga diploma.

Ayon kay DepEd Antique superintendent Felisa Beriong may pahintulot ito ng DepEd Region 6 para maipatupad ang health protocols.

—Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.