MAYNILA - Ngayong may banta pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kinakailangan pa rin ang pagsuot ng mga face mask, lalo na kung lalabas ng bahay.
Isa rito ang paggamit ng cloth masks, na maaaring gawin gamit ang mga simpleng mga kagamitan sa bahay.
At kung gagawa man ng cloth mask, nagbigay ng ilang payo ang isang pulmonologist sa angkop na kagamitan sa pagtahi nito.
Ayon kay Dr. Anna York Bondoc, siguruhin na makakahinga nang maayos sa gagawing face mask.
Puwede naman aniya ang kahit anong uri ng tela, basta’t magaspang ito at hindi aniya ito madulas.
Mas madali umano kasing kumapit sa mas madulas na tela ang virus.
''Yung smoother fabric mo mas madali pong kapitan ng virus and droplet particles,” ani Bondoc sa programang "Good Vibes" noong Martes.
Kung maaari, maglagay ng isa pang layer kapag magsusuot ng cloth mask, ayon kay Bondoc.
Halimbawa rito ay iyong mga surgical mask, paper towel, o kaya filter.
Ayon kay Bondoc, kung maaari ay magkaroon ng dalawang cloth mask, para may gagamiting extra kapag nilalabhan ang isang mask.
Maaari kasing magkaroon ng problema sa balat, gaya ng taghiyawat kapag hindi hinuhugasan nang maayos ang gagamiting face mask.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, DIY cloth mask, Teleradyo, cloth mask, cloth mask, DIY cloth mask COVID-19, coronavirus, COVID-19, coronavirus Philippines update, COVID, coronavirus disease Philippines, COVID-19 Philippines update