Isang lalaking taga Sta. Fe, Cebu ang nasa 13 taon nang hindi naliligo.
Ayon sa kaniyang tiyahin, dating mahilig maligo at magtampisaw sa dagat ang kaniyang pamangkin. Nagtatrabaho rin ito bilang isang mangingisda.
Dahil madalas itong pagod, dumating ang panahon na hindi na umano naliligo ang kaniyang pamangkin.
Pero ang paminsan-minsang hindi pagligo, umabot na ng taon.
Ayon sa psychologist na si Dr. Camille Garcia, isang kakaibang phobia sa pagligo at paglilinis ng katawan, o ablutophobia, ang kondisyon ng lalaki.
Dagdag pa ni Garcia, maaring may naranasan ang lalaki na naging dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong phobia.
- Rated K, Hulyo 14, 2019
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Rated K, Cebu, Sta. Fe, ablutophobia, trauma, health, Tagalog news