Para sa adbokasiya: Miss PH Earth nais ng 'joint effort' kasama si Mayor Vico

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 09:00 PM | Updated as of Jul 11 2019 09:45 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang tubong Pasig City at TV host na sj Janelle Tee ang kinoronahang Miss Philippines Earth 2019 noong Miyerkoles.

Sa edad na 28, nag-set din ng bagong record si Tee bilang oldest winner ng isang national beauty pageant para sa mga dalagang Pilipina. 

Ayon sa dating Chinoy TV host ng ANC, sinuwerte siya sa pagbabago ng patakaran ngayong taon. 

"God has his way of surprising you. This is it. So don't give up on your dreams. Totoo na siya. I can say, now say 'Janelle Tee, Philippine!' yeah," sabi ni Tee. 

Kaagad naman niyang sisimulan ang kaniyang adbokasiya na tigilan na ang paggamit ng one-time use plastic bags, at balak pa niyang makipag-ugnayan kay bagong Pasig City Mayor Vico Sotto. 

"Mayor Vico, joint effort po tayo sa mga advocacies, for the Philippines na 'to, hindi lang Pasig," ani Tee. 

Pinarangalan din bilang bayani ang environmental advocate na si Gina Lopez sa pagsisikap niyang palalimin ang pangangalaga sa kalikasan sa pageant. 

Aabangan ang makukulay na eksena ng Miss Philippines Earth 2019 coronation sa ABS-CBN Sunday's Best.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.