Mga Pinoy, umariba sa tagisan ng galing sa pagtatanghal

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2017 08:44 PM | Updated as of Jul 12 2017 12:02 AM

Humakot ng parangal ang Pinoy performers sa katatapos lang na 2017 World Championship of Performing Arts (WCOPA) matapos ang isang lingggong bakbakan.

Isa sa mga nag-uwi ng medalya ang itinanghal na top Junior Vocalist Champion na si Hannah Castillo na first time pa lang sumali sa isang singing competition

Kahit paos, hindi naman nawalan ng pag-asa si Cristiani Rebada na mag-compete. Sa huli, itinanghal pa siyang Senior Vocalist Grand Champion.

Nagpakitang-gilas naman ng kanyang Michael Jackson moves ang dating It's Showtime Mini Me grand champion na si Nhikzy Calma na iniuwi ang Junior Grand Performer trophy.

Sa kabuuan, nag-uwi ang Team Philippines ng 205 gold, silver, at bronze medals, plaques at scholarships.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.