RECIPE: Pork pastel

ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2019 11:49 AM

MAYNILA — Nagke-crave ka ba ng chicken pastel pero walang manok sa bahay? 

Kung may baboy naman sa inyong ref ay maaari mong subukang magluto ng pork pastel, na halos taglay pa rin ang makremang lasa ng nakasanayang pastel.

Bumisita sa "Umagang Kay Ganda" ang guest kusinero na si Mark Lascano para ibahagi kung paano magluto ng pork pastel. 

Narito ang mga sangkap: 

• Mantika
• Sibuyas
• Bawang 
• Karne ng baboy 
• Carrot 
• Patatas
• Sausage 
• Green bell pepper 
• Pork stock
• Evaporated milk
• Asin 
• Paminta
• Cornstarch (nakahalo na sa tubig)
• Chicharon
• Young corn
• Mushroom

Paraan ng pagluluto:

Maggisa ng sibuyas at bawang at isangkutsa dito ang karne ng baboy.

Timplahan ng asin at paminta bago ihalo ang pork stock.

Isunod ang carrots, patatas, sausage. at evaporated milk. Hayaan nang 10 minuto.

Matapos ang 10 minuto, ilagay ang young corn, mushroom, bell pepper, at chicharon. Hayaang muli nang 3 minuto.

Ilagay ang slurry o cornstarch na hinalo sa tubig bago tuluyang maluto ang mga gulay. Hanguin at ihain kapag malapot na ang sarsa. 

Maaari nang ihain ang pork pastel. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.