PatrolPH

TINGNAN: Leaf art alay sa mga nasawing sundalo sa C-130 plane crash sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2021 02:32 PM

TINGNAN: Leaf art alay sa mga nasawing sundalo sa C-130 plane crash sa Sulu 1
Larawan mula kay Mary Mae Dacanay.

MAYNILA — Alay bilang pagpupugay at pag-alala sa mga nasawing sundalo sa C-130 crash sa Sulu and isang leaf art na ginawa ni Bayan Patroller Mary Mae Dacanay mula sa Biñan, Laguna.

Makikita sa leaf art ang silhouette ng isang sundalong nakaluhod at isang eroplano. 

Gamit ang dahon ng calamansi, cutter at scalpel, tinapos niya ito sa loob ng limang oras.

Aabot na sa 53 katao kabilang ang 50 mga sundalo ang pumanaw nang madisgrasya ang Hercules C-130 transport plane sa Sulu noong Linggo.

—Ulat ni Cielo Gonzales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.