PatrolPH

Guro, hinangaan matapos nagpahiram ng sapatos sa graduating student

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2022 01:49 AM

Hinangaan ang isang guro sa Pototan, Iloilo matapos ipahiram ang kanyang sapatos sa isang graduating student nitong Biyernes.

Ibinahagi sa social media ni Cristy Selorio ang kanyang paghanga kay teacher Cornelia Castor ng Pototan National Comprehensive High School na sinabi niyang "Five stars para kay teacher".

Kuwento niya, napansin umano ng guro nang papunta na sa entablado si Jesseca Coronado na nakasuot lang ito ng sandalyas kaya ipinahiram nito ang kanyang sapatos.

Guro, nagpahiram ng sapatos sa graduating student 1
Guro, nagpahiram ng sapatos sa graduating student 2
Guro, nagpahiram ng sapatos sa graduating student 3
Guro, nagpahiram ng sapatos sa graduating student 4

Jesseca Coronado. Photo courtesy of Krissy Selorio

Teacher Cornelia Castor ng Pototan National Comprehensive High School. Photo courtesy of Krissy Selorio

High school graduation, Pototan National Comprehensive High School, Hulyo 1, 2022.Photo courtesy of Krissy Selorio

High school graduation, Pototan National Comprehensive High School, Hulyo 1, 2022.Photo courtesy of Krissy Selorio

Sa ginawa ni teacher, maraming nakakita ang naantig ang puso.

Sa panayam umano ni Selorio sa nanay ni Jesseca, hiram lang din ang sandalyas na suot ng estudyante.

Sa pagtatapos nito sa Senior High School, hindi na magkokolehiyo si Jessica dahil hindi kaya ng pamilya na tustusan ang kanyang pag-aaral.

Ang kinikita umano ng kanyang mga magulang ay sapat lang na pambili ng pagkain nila araw-araw.

MULA SA ARCHIVE

Watch more News on iWantTFC


 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.