PatrolPH

Turismo sa ilang bayan sa S. Leyte, balik sigla matapos ang Bagyong Odette

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 02:09 PM | Updated as of Jul 03 2022 03:54 PM

Watch more News on iWantTFC

Unti-unti nang bumabalik ang sigla ng turismo sa ilang bayan ng Southern Leyte ilang buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.

Kabilang sa mga ito ang San Pablo Island sa bayan ng Hinunangan. Kilala ang isla sa malinaw na tubig at puting dalampasigan. Presko ang hangin at puwedeng magbabad sa malinaw na tubig. Mula sa barangay Canipaan, sasakay ng pumpboat papunta sa Isla.

Ang mga cottage sa isla ay nagkakahalaga ng P800 hanggang P1,000. Pwede rin magrenta ng mga tent. Ang ilang magba-barkada, magka-katrabaho at pamilya ay pabalik-balik na rin sa isla.

Ayon kay Barangay Kagawad Wyn Cabe, simula noong Marso ilang buwan matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette at luwagan ang mga health protocols ay unti-unti nang bumabalik ang sigla ng turismo. 

Ilan sa mga nagpunta sa isla ang mga guro mula sa San Francisco, Sourthern Leyte para sa kanilang bonding.

Sinisigurado ng mga opisyal ng barangay ang kalinisan at seguridad sa isla.

Ayon sa mga lokal na opisyal, maaaring tumawag sa tourism office para matulungan sa booking, at reservation sa pumpboat at sa cottages sa mga resorts sa isla. -Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.