PatrolPH

SAPUL SA VIDEO: Magkakaibigang abala sa Mobile Legends, nagulat sa kulog at kidlat

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2022 12:17 PM

Watch more News on iWantTFC

Video mula kay Jimuel Cruz Garcia

Kinatutuwaan sa social media ngayon ang CCTV footage tampok ang reaksiyon ng magkakaibigan nang biglang kumulog at kumidlat habang naglalaro sila sa labas ng bahay sa Calumpit, Bulacan.

Ayon kay Jimuel Cruz Garcia, isa sa mga lalaki, nakatutok silang magkakaibigan sa paglalaro ng Mobile Legends noong Hunyo 20 nang biglang kumulog at kumidlat.

Sa gulat at takot, napasigaw at napatawa na lang sila.

Nagpapasalamat na lang umano sila at hindi sila tinamaan ng kidlat.

Tila "Mobile Legends is life" para sa mga magkakaibigan dahil pagkatapos magulat ay tuloy ang kanilang paglalaro.

Umani na ng 1.4 million views ang video ng magkakaibigan.

— Ulat ni Dianne Dy

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.