Magbabalut na naka-wheelchair sa Sultan Kudarat, hinangaan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magbabalut na naka-wheelchair sa Sultan Kudarat, hinangaan

ABS-CBN News
Published Jun 30, 2021 06:29 PM PHT

MAYNILA — Humanga si Bayan Patroller Patrick Ivan Esaki Bartal sa sipag at tiyaga ng isang magbabalut na naka-wheelchair sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Kinilala ang 49 anyos na naglalako ng balut na si Nilo Alvarez.

Sa panayam ng Bayan Mo, I-Patrol Mo kay Alvarez, sinabi niya na nagsimula siyang magtinda ng balut noong Mayo 2020.

Araw-araw siyang naglalako ng balut. Bilang istilo sa pagtitinda, kalong niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT
Kung maubos niya ang apat na tray ay kumikita naman siya ng higit P400 at pambili niya ng pang araw-araw na pangangailangan.

Hiling niya na sana'y magkaroon siya ng mas maayos na masisilungan dahil sa labas lang siya natutulog sa kanyang tirahan na nasa compound ng kanyang lola sa Purok 5, Jose Abad Santos, Tacurong City.—Ulat ni Sarah Sales, Bayan Mo, I-Patrol Mo

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT