Mga tips sa kahandaan, kaligtaasan, ibinahagi sa Red Alert Expo sa Pampanga

Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 08:35 PM

Iba't ibang mga tips at paraan para maging handa at ligtas sa panahon ng sakuna ang pinag-usapan sa Red Alert Emergency Expo sa San Fernando, Pampanga nitong weekend.

Apat na barangay mula sa San Fernando ang lumahok sa Red-Alerto-lympics na bahagi ng emergency expo ng DZMM.

Kabilang sa mga ginawang aktibidad ang bucket relay sa panahon ng sunog, lifting and moving tuwing may trahedya sa kalsada at flood and river rescue.

Kasama ng baway barangay ang ilang mga guests tulad nina Gretchen Ho, Ganiel Krishnan, Patricia Reyes at Jeff Canoy.

Ayon kay Marah Capuyan, station manager ng DZMM, isinagawa ang emergency expo para turuan ang mga tao kung ano ang kanilang dapat gawin sa panahon ng sakuna.

"Sa pamamagitan ng programang 'Red Alert,' gusto nating turuan 'yung mga Kapamilya natin na gawin din nilang second nature, kumbaga parang automatic sa kanila na alamin kung ano ang dapat nilang gawin kung maharap sila sa iba't ibang situation," aniya.

"Sa mga ganitong mga activity parang mas nalulunok nila 'yung mga lesson, kasi parang masaya nakakatuwa pero at the same time very educational... Sana 'yun din 'yung isa sa mga madala nila sa totoong buhay kapag may emergency o bago pa man mangyari eh naguusap usap na 'yung community," ani Canoy.

Maliban sa paligsahan, nagbahagi rin ng kaalaman ang iba't ibang eksperto kaugnay ng mga emergency sa loob at labas ng mga kabahayan.

Namigay din ng mga reading glasses, libreng masahe at libreng blood glucose screening.

Nagwagi sa Red-Alerto-lympics ang Barangay Juliana.

Ito na ang ikaanim na taon ng Red Alert Emergency Expo na inaasahang magaganap pa sa iba't ibang lugar sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.