Babaeng 'nalusaw' ang mukha, hiling na huwag siyang katakutan

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2019 11:04 PM

Bata pa lamang si Marissa Convencido ay napapansin na ng kaniyang pamilya ang pagbabago sa kaniyang balat at mukha.

Mula sa isang maliit na balat, lumaki at lumaylay ang balat sa mukha ni Marissa. Nagkaroon rin siya ng mga tila ubas na umbok sa buo niyang katawan.

Dahil sa kahirapan, hindi na naipatingin ng kaniyang mga magulang sa espesyalista si Marissa.

Sa tulong ng "Rated K," pinatingnan sa isang dermatologist si Marissa. 

Ayon sa doktor, mayroong plexiform neurofibromatosis si Marissa. Isa itong kakaibang kondisyon kung saan lumalaylay ang balat.

Bagama't wala namang ibang iniindang kondisyon, hirap mamuhay na normal si Marissa dahil sa panghuhusga sa kaniya ng ibang tao.

Kasalukuyang binubuhay ni Marissa ang sarili sa pamamagitan ng pagtitinda sa kaniyang maliit na tindahan.

Watch more in iWant or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.