Pinay wagi sa 'Asia's Next Top Model'

MJ Felipe, ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2017 10:47 PM | Updated as of Jun 28 2017 11:59 PM

Nagwagi ang pambato ng Pilipinas na si Maureen Wroblewitz sa Asia’s Next Top Model season 5 nitong Miyerkoles.

Si Maureen ang kauna-unahang Filipina na nanalo sa sikat na modeling competition.

Tinodo ng 19-anyos na Filipino-German model ang finale avant garde photo shoot para tanghaling grand winner ng patimpalak.

Pinataob ni Maureen ang pambato ng Vietnam at Malaysia na sina Minhtu Nguyen at Shikin Gomez sa final round.

Tatlong beses nanalo ng challenges si Maureen at na-bully pa ng ilang kapwa kandidata at tinawag na "girl with no skills."

Pero hindi siya pinanghinaan ng loob at hindi nawalan ng focus.

Kotse, modelling contract, at cash prize ang napanalunan ni Maureen. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.