RECIPE: Lengua Sulipeña

ABS-CBN News

Posted at Jun 27 2019 11:17 AM | Updated as of Jun 27 2019 11:26 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Tanyag sa bansang Espanya ang "Lengua Sulipeña," isang makremang putahe na gawa sa dila ng baka.

Maaari mong subukang lutuin ang putaheng ito sa iyong kusina.

Bumisita sa “Umagang Kay Ganda” nitong Huwebes ang guest kusinero na si Gene Gonzales para ibahagi kung paano magluto ng Lengua Sulipeña

Narito ang mga sangkap:
• 1 kilong dila ng baka
• 3 green olives
• 3 button mushroom
• 2 kutsarang butter
• ¼ tasang brown sauce
• 1 kutsarang cream
• 1 kutsarang cooking wine
• 1 mashed potato

Paraan ng pagluluto:

Igisa sa mantikilya ang pinalambot na dila ng baka.

Idagdag ang olives at mushroom, igisa.

Ilagay din ang brown sauce, cream, at wine.

Isunod ang pinakuluang stock ng dila ng baka.

Ayusin sa plato ang ox tongue at ilagay ang gulay at mashed potato.

Lagyan ng natitirang sauce ang dila ng baka.

Maaari nang ihain ang Lengua Sulipeña kasama ang mushroom at olives.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.