PatrolPH

PANOORIN: Donita Rose, nagbalik-tanaw sa 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Jun 26 2020 03:11 PM

MAYNILA -- Naging masaya ang pagbabalik-tanaw nina Donita Rose at Kim Atienza bilang mga dating host ng "Umagang Kay Ganda" na nagdiriwang ngayon ng ika-13 anibersaryo.

Nitong Biyernes, masayang nagkuwento ang dalawa ng kani-kanilang mga hindi makakalimutang karanasan bilang parte ng "UKG."

Kuwento ni Donita, hindi niya makakalimutan ang naging pagsakay niya noon sa hot air balloon sa Subic.

"Si Kuya Kim ang mag-annotate tapos pass to me. So nasa loob ako ng hot air balloon. So after noon nag-annotate siya ng matagal, tapos ang sasabihin ko lang 'at magbabalik po ang 'Umagang Kay Ganda.'' Tapos aangat na 'yung hot air balloon tapos 'cut.' Sa susunod na balik may annotations din ko. Magsasalita rin ako. So noong nasa ere na kami, sabi ko, 'Salamat kuya, ibaba niyo na po ako.' Tapos sabi niya, 'Hindi puwedeng ibaba. You have to go with us na.' Sabi ko, 'May gagawin pa ako.' Sabi hindi talaga puwede. Nakailang oras ako sa ere parang 4 hours yata. That time hindi pa ako kumakain ng breakfast, mainit, uhaw na uhaw na ako, gutom na gutom na ako. Tapos after ilang hours hindi nila alam kung saan kami puwedeng ilalapag. Parang we have to go with the flow. Nilapag kami sa bukid na ang daming abo. Mula ulo hanggang paa, puro abo," kuwento ni Donita.

Para naman kay Atienza, nakilala siya bilang Kuya Kim dahil sa "Umagang Kay Ganda."

"Kuya Kim is Kuya Kim because of the morning show. My first break ever in ABS-CBN aside from Ultraman at boses lang 'yon. Unang lumabas ang mukha ko ng regular sa TV, sa morning show and I will never, never forget you guys because you'd been a big part of my life," ani Kim.

Narito ang masayang panayam kay Donita Rose at Kim Atienza sa UKG. Simulang panoorin ang video sa oras na 46:00 hanggang 1:02:18.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.