PatrolPH

Pia Wurtzbach, sinagot kung si Jeremy Jauncey na ba ang 'the one'

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2020 01:01 PM | Updated as of Jun 25 2020 04:14 PM

MAYNILA -- Ipinapanalangin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na ang nobyong si Jeremy Jauncey na nga ang kanyang "the one."

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes, sinabi ni Pia na seryoso siya sa tuwing papasok sa isang relasyon. 

"Sana naman po. Kasi ako naman whenever I'm in a relationship ay lagi namang serious... Anyway, sana. Ipagpi-pray ko," ani Pia na naging bukas rin sa pagkuwento tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

"Akalain mo 'yon itong 2020 maipu-push ko pa pala ang love life. Well maraming mga plano na put on hold. Dapat magkikita kami. Dapat pupunta siya dito sa Pilipinas. Tapos dapat magkikita rin kami sa New York. Pero dahil sa nangyayari ngayon, hindi tayo makapag-travel. Ganito lang muna kami, online, ganito ang mga date namin. Pero ganoon talaga. Pero we are looking foward to seeing each other naman kapag natapos na lahat ito. Sana soon. Pero kung hindi pa naman soon, okay lang din basta make sure na safe lahat bago kami mag-travel, kumilos at magkita," ani Pia na muling nagbalik-tanaw sa kung paano sila nagkita ni Jeremy sa London.

Ayon kay Pia, dumaan sila ni Jeremy sa tinatawag na courtship o ligawan na parte ng kultura ng mga Filipino.

"Baka kasi matawa kayo at 'di kayo maniwala pero medyo old school kasi ako. In-explain ko sa kanya na sa Pilipinas sa culture natin ay mayroong courtship. In-explain ko sa kanya 'yon at sobrang game naman siya. Game siya at ni-respect naman niya 'yon. So nag-take kami ng time na magkakilala kami. Kahit 'di ko in-explain sa kanya siguro nagtanong-tanong siya sa mga friend niya na Filipino. Sa Western culture kasi parang bigla na lang na nagiging kayo, basta alam niyo na lang na kayo na parang ganoon. With him, he was very respectful and he waited. And then, naghintay siya ng right moment to ask," kuwento ni Pia.

Nang matanong kung paano niya ilalarawan ngayon ang estado ng kanyang puso sa isang salita, sagot ni Pia: "Complete. 'Di ako makaisip ng ibang word kasi parang ang saya. Sobrang get-along kami. Tapos natutulungan niya ako sa maraming bagay. Marami siyang natuturo sa akin, sa fitness, sa business, sa buhay. Ako marami akong natutunan at natutuwa talaga ako. At mino-motivate talaga namin ang isa't isa para mas galingan pa namin sa buhay. In that way nakikita ko na hindi lang siya boyfriend, partner talaga siya," ani Pia.

Narito ang panayam ng UKG kay Pia tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Simulang panoorin ang video sa oras na 19:46 hanggang 29:20.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.