ALAMIN: Benepisyo sa kalusugang dulot ng labong

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2020 01:58 PM

MAYNILA - Talaga namang isa sa pinakamapakikinabangang halaman ang kawayan, na kadalasang ginagamit bilang raw material sa mga gamit sa bahay dahil sa tibay nito.

Watch more in iWantTFC

Pero bukod dito, ang labong o iyong ubod ng kawayan ay may hatid na sustansiya na mainam din sa mga gustong magpapayat, ayon sa integrative medicine practitioner na si Jaime Galvez Tan.

Ayon kay Tan, mayaman sa fiber at kaunti lamang ang carbohydrates ng labong.

"One of the beneifts talaga is weight loss... nakakabusog kahit kaunti lang 'yong nakain mo. Low in calorie, low in sugar, low in carbohydrates," ani Tan sa panayam ng "Salamat Dok."

Siksik din ang labong sa mga pampalakas ng resistensiya tulad ng Vitamin A, B Complex, at C, at mga mineral gaya ng zinc at selenium.

May antioxidants din ang labong na mabisang panlaban sa cancer.

Taglay rin ng labong ang calcium, mangesium, at copper.

Pero ayon kay Tan, kailangang lutuin nang maigi ang labong at huwag gawing salad dahil maaari itong makalason kapag kinain nang hilaw.

"Kailangan maluto siya para sumingaw 'yong kaniyang lason," anang doktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.