'Maganda pa rin kami': Bikini presentation ng Miss Philippines Earth tuloy kahit inulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 08:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Tuloy sa pagrampa ang mga kandidata ng Miss Philippines Earth 2019 sa kanilang bikini presentation sa kabila ng biglang pag-ulan.

Nagtapak ang mga kandidata sa kanilang rampa kahit basang-basa sa ulan matapos ipatanggal ng organizers ang kanilang high heels para hindi sila madulas.

Tampok sa pagrampa ang iba't ibang bulaklak ng Pilipinas na may medicinal value tulad ng kalachuchi, banaba, dama de noche, sunflower at iba't ibang orchids.

"We don't take it as negativity, we take it as a blessing," anang kandidatang si Mae Miguel.

"It's part of the game. Maganda pa rin kami," ayon naman kay Shannon Tampon, isa pang kandidata.

Sa unang pagkakataon, itinaas na ang age limit sa mga kandidata sa 28 para bigyan ng pagkakataon ang beauties tulad ng TV host na si Janelle Tee.

Ihahatid ng ABS-CBN ang iba pang makukulay na highlights at koronasyon ng Miss Philippines Earth pageant. --Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.