'Ganado o bomba walk': Gazini Ganados wala pang bansag sa signature rampa

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 06:40 PM | Updated as of Jun 24 2019 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Ilang linggo matapos magwagi bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe 2019, hindi pa rin makapili si Gazini Ganados sa magiging bansag niya sa kaniyang signature walk. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dyan Castillejo (@dyancastillejo) on

Hunyo 9 nang koronahan si Ganados bilang Miss Universe-Philippines, kung saan unang natunghayan ang kaniyang kakaibang pagrampa. Pero ayon sa Cebuana beauty, hindi pa niya alam kung ano ang itatawag niya dito. 

"Wala pang [name] pero iniisip namin bomba walk or ganado walk," aniya. 

Matatandaang naging tanyag ang "lava walk" ni reigning Miss Universe Catriona Gray at "tanim-bala walk" ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. 

Bukod naman sa pagrampa, inihahanda na rin ni Ganados ang kaniyang pangagatawan para sa prestihiyosong pageant. 

"More toning with my butt, abs... I'm okay with my arms and legs," aniya. 

Para kay Ganados, kahit busy ang schedule ay naghahanap talaga siya ng oras para mag-exercise. Paborito niya ang yoga.

"Everywhere I go, even in the bathroom, I can do yoga there."

Hindi din umano siya nababahala sa pangamba ng mga tao na imposible ang back-to-back win sa Miss Universe. 

"I think advantage ko 'yung experience ko sa modelling kasi... I've been modelling since I was 15," aniya. 

Excited na rin si Ganados na ibida ang kaniyang adbokasiya para sa kapakanan ng mga senior citizen sa bansa.

— Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.