PatrolPH

TINGNAN: Apo may Father's Day letter para sa lolong preso

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2020 05:46 PM | Updated as of Jun 21 2020 07:20 PM

TINGNAN: Apo may Father's Day letter para sa lolong preso 1
Nagpaabot ng liham ang isang apo sa kaniyang lolong preso ngayong Linggo, Father's Day. Retrato mula sa Buhangin police

Dahil hindi makadalaw sa kulungan, idinaan na lang sa isang liham ng isang menor de edad mula Davao City ang pagbati niya ng Father's Day sa kaniyang lolo.

Sa retratong ipinadala ng Buhangin police sa sulat, mababasang kinakamusta ng bata ang kaniyang lolong nakakulong sa Buhangin Police Station.

"Miss na kita. Okay ka lang ba diyan? Gustuhin ko man na bumisita, pero hindi raw puwede," sabi ng bata sa sulat.

Ipinagmalaki ng apo na siya ang nagluluto at nagbabalot ng mga pagkaing hinahatid sa lolo.

"Minsan ako ang nagluluto sa ulam mo, ako rin ang nagbabalot at naghahanda ng pagkain mo," anang nagsulat ng liham.

Hinimok din niya ang lolo na magpakatatag.

"Nandito lang kami para sumuporta sayo. Lolo mahal kita." -- Ulat ni Andoreena Causon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.