Sa leaf art idinaan ni Dominic Jay Gregorio ng Tigaon, Camarines Sur ang paggunita ng Father's Day, Hunyo 20, 2021. Retrato mula kay Gregorio
Idinaan ng ilang artist sa kanilang obra ang pagbibigay-pugay sa mga haligi ng tahanan ngayong Father's Day.
Kasama rito ang taga-Bacolod City na si Francis San Miguel, na itinataguyod ngayon ang asawa at 2 anak sa kita niya sa paintings at sculpture.
Gumawa ng mga sketch si San Miguel na may temang pagsaludo sa mga ama, na patuloy na nagsisikap para manatiling ligtas ang kanilang mga pamilya ngayong panahon ng COVID-19.
Sketch na gawa ni Francis San Miguel ngayong Father's Day. Retrato mula kay San Miguel
Sa Tigaon, Camarines Sur, muli namang umukit ng larawan sa dahon si Dominic Jay Gregorio para batiin ang mga ama.
Pinasalamatan ni Gregorio ang lahat ng tumatayong haligi ng tahanan sa kanilang pagpapakatatag at pagpupursige ngayong may pandmeya.
"Aking binibigyang pagpugay at pasasalamat ang lahat ng ama ganun din ang mga taong nagsisilbing ama sa kanilang mga anak at mahal sa buhay," aniya.
"Ramdam namin ang pagod at sakripisyo ninyo para matustusan ang mga pangangailangan namin sa araw-araw," dagdag ni Gregorio.
— Ulat ni Jonathan Magistrado
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Father's Day, art, Father's Day art, Francis San Miguel, Dominic Jay Gregorio, rehiyon, Camarines Sur, Bacolod, regions, regional news