PatrolPH

Stress, sanhi ng erectile dysfunction?

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2019 07:41 AM | Updated as of Jun 20 2019 09:32 PM

Watch more on iWantTFC

Editor's Note: May mga tinatalakay na seksuwal at hindi pambatang paksa ang artikulong ito. Mahalaga ang wastong paggabay sa mga wala pa sa tamang edad o disposisyon para magbasa o umintindi ng ganitong mga bagay.

Maaaring ugat ng erectile dysfuction o problema ng isang lalaki sa pagpapatigas ng kaniyang ari ang pagdanas ng stress, ayon sa isang doktor. 

Sa programang "Good Vibes" ng programang DZMM, sinabi ni Dr. Joseph Lee, isang urologist, na kasama ang stress sa mga sikolohikal na dahilan kung bakit nagkakaroon ng erectile dysfunction ang isang tao. 

"Ito'y dala ng stress, trauma o something else, o mental health problems," ani Lee. 

Ayon kay Lee, mas maaaring tamaan ngayon ng erectile dysfunction ang mga millenials sa dami ng trabaho na ibinabato sa kanila. 

"They tend to have emotions, minsan kasi nagkakaroon ng psychological effects sa erection," ani Lee. 

Pag hindi umano natuunan nang pansin ang erectile dysfunction ng isang tao ay maaaring lumalala ito. 

Pero ayon kay Lee, maaari namang masolusyonan ito kung masilip ang sanhi nito, gaya halimbawa ng kawalan ng interes sa partner. 

Maaari ring sumailalim sa psychological consultation ang isang pasyenteng may erectile dysfunction para magabayan siya at ang partner sa stress management o sa itinatagong problema. 

"We have to take a look, di ba? Then kung kailangan ng psychological consultation, not necessarily mentally pero pag-uusapan 'yan (erection) then we could change the behavior of both individuals," ani Lee. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.