PatrolPH

ALAMIN: Ligtas na pag-obserba sa 'Ring of Fire' eclipse sa Father's Day

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2020 08:00 PM | Updated as of Jun 19 2020 08:10 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Espesyal ang Father’s Day ngayong taon dahil sasabay ito sa summer solstice at ang inaabangang annular solar eclipse o tinatawag na "Ring of Fire" eclipse.

Makikita ang eclipse mula alas-3 hanggang 5:30 ng hapon, sabi ni PAGASA weather forecaster Ghela Lequiron.

Narito ang ilang paalala para sa inaabangang eclipse.

Huwag na huwag titingnan nang diretso ang araw. Huwag ding sumilip sa telescope o binoculars nang walang solar filter, dahil puwede kayong mabulag.

Para ligtas na masilip ang eclipse, kailangan ng makapal na filter gaya ng number 13 o 14 na welder’s glass o filter o dalawa o tatlong layers ng fully-exposed at developed black-and-white film na may silver emulsion.

Puwede ring butasin ang kapirasong papel gamit ang ballpen at makikita ang hugis ng eclipsed sun sa sahig o kalsada.

Magkakaroon din ng online viewing event ang Philippine Astronomical Society sa kanilang Facebook page.

Huwag palalagpasin ang pambihirang astronomical event na ito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.