ALAMIN: Ito ang paboritong ulam ni Jose Rizal

ABS-CBN News

Posted at Jun 19 2019 02:10 PM | Updated as of Jun 19 2019 02:18 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Para sa selebrasyon ng ika-158 kaarawan ni Dr. Jose Rizal, ibinahagi ni Chef Tatung Sarthou ang isa sa paboritong ulam ng pambansang bayani.

Sa "Umagang Kay Ganda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Chef Tatung kung paano lutuin ang Tinolang Manok sa Kalabasa na 'di umano ay gustong ulam ng bayani.

Kung bakit kalabasa ang gamit, ani Chef Tatung, "'Yun ang trip niya kasi hindi ba doktor siya sa mata. Rich in vitamin A kaya siguro ganun."

 -- Umagang Kay Ganda, Hunyo 19, 2019