Catriona, may payo kung paano sumagot sa Q and A

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Jun 18 2019 12:13 PM | Updated as of Jun 18 2019 01:22 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Ikinagulat ni reigning Miss Universe Catriona Gray ang positive feedback ng netizens sa kanyang farewell speech bago isalin ang korona ng Miss Universe Philippines.

Kuwento ni Catriona, ito ang naipon niyang mensahe sa ating mga kababayan na naging inspirasyon niya sa tagumpay.
 
"I was really overwhelmed by the feedback. I was a really emotional moment for me. The weeks going up to it, I don't know what I want to say because I was thinking about it so much and so much has happened on this journey. How do you put that in that amount of time but the message I gave it really was from my heart, it's what I really wanted to share," ani Catriona.

Naibahagi pa ni Catriona ang unang pag-uusap nila ni 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa backstage.

"She was so sweet. When I met her backstage in the winners circle, she was like 'oh my gosh Cath I'm so overwhelmed.' She was the sweetest girl and I wish her nothing but the best," ani Catriona.

At payo ni Catriona sa mga kandidata kung paano maisasantabi ang kaba, lalo na sa question-and-answer portion.

"It's a grace under pressure environment. It's a complete high-nerve environment. If it's your time, it's your time," ani Catriona.

Matapos ang mga ganap sa Pilipinas, babalik sa Miss Universe base New York si Catriona para ituloy ang kanyang duties bilang 2018 Miss Universe.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.